1/9/17

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Tumalima kayo sa Diyos

Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang halos magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima ngunit para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa mga paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subalit ang kanilang pagtalima ay nakaayon lamang sa kasunduan.
Ito ay para lamang sa kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Ngayon, bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay dahil lamang sa iyong mga sariling adhikain, at sa iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang sa sarili, sariling paniniguro, at sariling pagpapahalaga. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi ginawa sa saligan ng pagtalima sa utos ng Diyos, sa huli ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, maging uhaw sila sa mga salita ng Diyos, kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isabuhay, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos at magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at wala ring makapagpapabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, samakatuwid ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang lahat ng iyong kilos—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at panatag na pag-uugali, ang lahat ng iyong kilos at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subalit pagdating sa iyong mga adhikain at pananaw sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at ito ay masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalimang tupa, subalit ang mga puso ay nagpapakanlong sa mga masasamang balak, ay mga lobo na nagdadamit-tupa, sila ay tahas na humahamak sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang maghahayag sa bawat isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawat isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong itatakwil at iwawaksi ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: ang Diyos ang siyang haharap at magpapasiya sa kanila nang isa-isa.
Kung hindi mo magawang tanggapin ang bagong liwanag ng Diyos, at hindi mo maintindihan ang lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon, at hindi mo ito hinahanap, o kahit pagdudahan ito, husgahan ito, o pag-aaralan at suriin ito, samakatuwid wala kang isipang handang tumalima. Kung sakaling ang liwanag sa ngayong sandali ay darating, gagawin mo pa ring kayamanan ang liwanag ng kahapon at sasalungatin ang mga bagong gawain ng Diyos, kung gayon wala kang pinagkaiba sa isang katatawanan, ikaw ay isa sa mga naghahangad na salungatin ang Diyos. Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at ang kakayahang tanggapin at isabuhay. Ito lamang ang tunay na pagtalima. Silang mga ayaw maging uhaw sa Diyos ay walang kakayahan na magkaroon ng isipang tatalima sa Diyos, at kaya lamang nilang sumalungat sa Diyos dahil sa kasiyahan sa sariling kalagayan. Ang taong iyon ay hindi makakatalima sa Diyos ay sa kadahilanang siya ay pag-aaari pa rin ng mga nakaraan. Ang mga bagay na dumating noon ang siyang nagbigay sa mga tao ng lahat ng wangis ng kaisipan at maling akala tungkol sa Diyos na naging mga larawan ng Diyos sa kanilang isipan. Sa ganitong paraan, ang kanilang pinaniniwalaan ay ang kanilang sariling mga kaisipan at ang mga batayan ng kanilang sariling guni-guni. Kung susukatin mo ang Diyos na gumagawa sa kasalukuyan ngayon laban sa Diyos ng iyong sariling guni-guni, samakatuwid ang iyong pananampalataya ay nagmumula kay Satanas, at ito ay ayon sa iyong sariling kagustuhan—at ayaw ng Diyos ng pananampalatayang kagaya nito. Kahit gaano pa katayog ang kanilang mga mapagkakatiwalaang lagay, at kahit ano pa ang kanilang paghahandog—kahit na ang inialay nila ay habambuhay na pagsisikap sa Kanyang mga gawain, at ginawang martir ang kanilang mga sarili—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Nagpapakita lang Siya ng kaunting kagandahang-loob, at pinahihintulutan silang magsaya sa itinakdang panahon. Ang mga taong kagaya nito ay walang kakayahang ilagay ang katotohanan sa kasanayan, ang Banal na Espiritu ay hindi nakakaimpluwensya sa kanilang kalooban, at sila ay aalisin ng Diyos isa-isa. Di alintana kung matanda o bata man sila, silang hindi tumatalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya at may mga maling adhikain, ay silang mga sumasalungat at gumagambala, at ang mga ganyang tao ay walang pag-aalinlangang aalisin ng Diyos. Silang mga walang kahit kaunting pagtalima sa Diyos, na kumikilala lamang sa pangalan ng Diyos, at may kaunting pakiramdam sa pagmamahal at paggiliw ng Diyos gayunman hindi nakahakbang sa mga yapak ng Banal na Espiritu, at hindi tumatalima sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—ang ganyang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng awa ng Diyos, at hindi maaangkin at gagawing perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagdadalisay sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito, mag-iiba ang katangian ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng awa ng Diyos, pagiging madalas na uhaw sa katotohanan, at ang paghahanap sa katotohanan, at ang paghabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng kusang pagtalima sa Diyos: ito ang tiyak na pananampalatayang gusto ng Diyos. Ang mga taong gumagawa ng walang taros na pagsasaya sa mga biyaya ng Diyos ay hindi magiging perpekto, o magbabago, at ang kanilang pagtalima, kabanalan, pag-ibig at pagtitiis ay pawang mababaw. Silang mga nagsasaya lamang sa mga kagandahang-loob ng Diyos ay hindi kailanman makakakilala sa Diyos, at kahit kilala man nila ang Diyos, ang kanilang kaalaman ay mababaw, at sila ay nagsasalita ng mga bagay tulad ng mahal ng Diyos ang tao, o ang Diyos ay mahabagin sa tao. Hindi ito kumakatawan sa buhay ng tao, at hindi nagpapakita na tunay ngang kilala ng mga tao ang Diyos. Kung sakali, ang mga salita ng Diyos ay magpapadalisay sa kanila, o kapag ang Kanyang mga pagsubok ay darating sa kanila, ang mga tao ay walang kakayahang tumalima sa Diyos—kung ; sa halip, sila ay magiging mapagduda, at mabubuwal—samakatuwid sila ay hindi mapagtalima kahit kaunti man. Sa loob nila, may mga alituntunin at mga ipinagbabawal tungkol sa pananampalataya sa Diyos, mga nakaraang karanasan na bunga ng maraming taong pananampalataya, o iba-ibang mga aral na nakabatay sa Bibliya. Ang mga taong tulad nito ay tatalima kaya sa Diyos? Ang mga taong ito ay puno ng mga bagay na pantao—paano kaya sila tatalima sa Diyos? Lahat sila ay “tumatalima” ayon sa kanilang pansariling kagustuhan—hahangarin ba ng Diyos ang ganitong uri ng pagtalima? Ito ay hindi pagtalima sa Diyos, kundi ang pagsunod sa doktrina, ito ay ang pagiging kuntento at pag-aaliw sa iyong sarili. Kung sinasabi mo na ito ay pagtatalima sa Diyos, ikaw ba ay hindi lumalapastangan sa Kanya? Ikaw ay isang Paraon ng Ehipto, ikaw ay gumagawa ng kasamaan, at ngayon ikaw ay nagpapahayag ng pagsalungat sa Diyos—magnanais ba ang Diyos ng paglilingkod na tulad nito? Mas mabuting magmadali ka at magsisi at magkaroon ng kaunting kabatiran. Kung hindi, mas mabuti pang umuwi ka na lang sa iyong tahanan: mas makakagawa ito ng maraming kabutihan para sa iyo kaysa sa iyong “paglilingkod” sa Diyos, hindi ka gagambala at mang-aabala, malalaman mo kung saan ka lulugar, at mamumuhay nang maigi—hindi ba mas mabuti iyon? Sa paraang iyan ay maiiwasan mo ang pagsalungat sa Diyos at ang maparusahan!
UMFULA OHLANZEKILE WAMANZI OKUPHILA 

Awekho amazwana:

Thumela amazwana