1/9/17

Ang Ikalabinlimang Pananalita

Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kilala ang kanyang sarili, kilala niya ang ibang tao gaya ng kanyang pagkakilala sa kanyang palad, na tila ang lahat ng ibang tao ay “nakapasa” muna sa kanyang „pagsisiyasat“ at tumanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, anupa’t sinukat niya ang iba hanggang sa kanilang katayuan ng pag-iisip. Lahat ng mga taong nilalang ay ganito.
Ang tao ay pumasok na sa Panahon ng Kaharian ngayon, ngunit ang kanyang katangian ay nananatiling walang pagbabago. Tinutularan niya Ako kapag Ako ay nakatingin, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling “kalakalan”. Kapag ito ay natapos na at siya ay lumapit sa Akin muli, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kahamak-hamak? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na tunay na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga korderong bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, at saka nagiging tila mga maliliit na ibong lilipad-lipad sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga ng Aking harapan?Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi nila, na tila ang Aking mga salita ay abala sa kanila? Sa napakaraming beses na nakita Ko ang sangkatauhang winasak ng Aking kaaway, Ako ay nawalan na ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses Ko nang nakikitang lumapit ang tao sa akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan na paggalang sa sarili, at katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa aking galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga tangka ay bukal sa loob. Napakaraming beses na nakita Ko ang tao na may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, tinitikman ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses, na nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling mga tao, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan sa ganitong mga kadahilanan. Ang mga taong nilalang ay hindi marunong matuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapala o maging ang paghihirap. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging wagas sa kanilang pagdulog sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng-walang-dungis ng lantay na esmeralda? Tiyak na ang pag-ibig mo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na itinaglay sa iyo? Tunay nga na ang pagdaan sa pagsubok ng tao ay hindi magdudulot ng paglisan ng kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magdudulot ng pagreklamo niya sa Aking plano? Walang sinumang tao ang lubos na nalugod sa espadang taglay ng Aking bibig: alam lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi tunay na inaalam ang mas malalim. Kung ang mga taong nilalalang ay tunay na nakauunawa sa kataliman ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang maiintindihan sa tunay na kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang makikitang bakas kung gaano kahusay ang Aking mga salita, o kung ano ang hangganan ng kanilang pagkataong nahahayag, at kung gaano kahigit sa kanilang mga kasamaan ang nahusgahan na, na napapaloob sa mga salita. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at hindi mapagkakatiwalaang pagturing.
Sa loob ng kaharian, hindi lamang ang mga pananalita ang galing sa Aking bibig, kundi ang Aking mga paa rin ay naglalakad nang may kabanalan saan mang dako nito. Sa ganitong paraan, Ako ay nagtagumpay laban sa lahat ng marumi at karumaldumal na mga lugar, nang sa gayon, hindi lamang ang langit ang nagbabago, kundi ang sanlibutan din ay nasa pamamaraan ng pagbabago, sa nalalapit na hinaharap, ito ay papanariwain. Sa buong kalawakan, lahat ay magiging bago ayon sa ningning ng Aking kaluwalhatian, naglalahad ng kagiliw-giliw na anyo na bibihag sa damdamin at magkapagbubuhay ng loob, na tila ito ay namamarati sa langit sa kabilang dako pa ng kalangitan, na nabuo sa isip ng tao, hindi nabahiran ni Satanas, at malaya sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas. Sa taas ng kalawakan, ang mga bituin ang maghahari sa kanilang nakatakdang mga lugar ayon sa Aking pag-uutos, ikinikislap ang liwanag sa buong kalawakan sa mga oras ng kadiliman. Wala ni isang nilalang ang maglalakas-loob na mag-isip ng kasutilan, datapwa’t, ayon sa buod ng Aking utos pangagasiwa, ang buong sansinukob ay nasa hustong ayos at ganap na pagkakahalihalili: walang kaguluhan ang nangyari kailanman, ni hindi nasira ang pagkakaisa ng buong kalawakan kailanman. Nagpapalipad Ako ng mga paglukso sa ibabaw ng mga bituin, at kapag pinakikislap ng araw ang mga sinag nito, pinapawi Ko ang kanilang init mula sa langit sa pamamagitan ng pagpapadala ng higanteng mga bulak niyebe na sinlaki ng balahibo ng gansa na lumulutang pababa mula sa Aking mga kamay. Ngunit kapag Ako ay nagbago ng Aking isip, lahat ng niyebe ay matutunaw patungo sa ilog. Sa isang iglap, ang tagsibol ay darating sa lahat ng lugar sa ilalim ng kalangitan, at ang mala-esmeraldang luntian ay magbabanyuhay sa buong lupain sa ibabaw ng mundo. Sa Aking paggala sa taas ng kalawakan, ang mundo ay kaagad mababalot ng kadilimang mala-alkitran nang dahil sa Aking hugis: walang paabiso, ang “gabi” ay dumating, at ang buong mundo ay madilim na hindi maaaninag kahit ang sariling kamay na iunat sa harap ng mukha. Sa pagkupas ng liwanag, ang sangkatauhan ay sasamantalahin ang pagkakataon na makisali sa labis na galit sa magkaayong pagwasak, mang-agaw, at manamsam sa kanyang kapwa. Ang mga bayan sa mundo, na nalululong sa walang kaayos-ayos na pagkawatak-watak, ay papasok sa maputik at magulong katayuan, hanggang sa umabot sila sa puntong walang katubusan. Ang mga tao ay nakikipagbuno sa kirot ng paghihirap, umuungol at dumadaing sa kalagitnaan ng pagdurusa, iiyak ng kaawa-awang panaghoy, upang humiling na maibalik muli ang liwanag sa kanilang kalagitnaan upang mapatapos na ang mga araw ng kadiliman at ibalik ang sigla na gaya ng dati. Ngunit Aking iniwan na ang sangkatauhan sa isang pitik ng Aking mga manggas, hindi muling maaawa sa kanila, sa mga kasalanan ng sanlibutan: matagal Ko nang kinayamutan at itinakwil ang mga tao ng sanlibutan, ipinikit ang Aking mga mata sa mga kalagayan ng mundo, iniwas ang Aking mukha sa bawat galaw ng tao, ang kanyang bawat kilos, at tinigilang matuwa sa kanyang pagsilang at kamusmusan. Ako ay pumasok na sa panibagong hangarin na baguhin ang mundo, upang itong bagong mundo ay makatutuklas ng panibagong pagsilang minsan at hindi na lulubog muli. Sa gitna ng katauhan, ilang dayong mga bayan ang naghihintay na Aking itama sila, ilang kamalian pa ba ang kailangan upang Ako ay magkatawang-tao at pigilan na ito ay mangyari, gaano kadami ang alikabok na Aking wawalisin, ilang kahiwagaan ang aking ipapakita? Lahat ng katauhan ay naghihintay sa Akin, at nananabik sa Aking pagdating.
Sa lupa, Ako ang bihasang Diyos na Siyang nasa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ako ay umakyat sa mga bundok at tumawid sa mga ilog, Ako rin ay gumalaw sa loob at labas ng mundo ng mga tao. Sino ang hayag na mangangahas sa pagtutol sa mismong bihasang Diyos? Sino ang mangangahas na humiwalay sa paghahari ng Makapangyarihang Diyos? Sino ang mangangahas na kumandili na Ako ay, wala ni anino ng duda, nasa langit? Walang ni isa sa lahat ng sangkatauhan ay may kakayanan na bigkasin ang bawat detalye ng mga lugar na Aking tinirhan. Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa langit, Ako ay ang Siyang kahima-himalang Diyos? Hindi kaya, na kapag Ako ay nasa lupa, Ako ay ang Siyang bihasang Diyos? Na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng nilalang, o na Ako ay nakararanas ng mga paghihirap ng mga tao sa mundo – siguradong ang mga ito ay hindi magpapasiya kung Ako ang Siyang bihasang Diyos? Kung iyan ang iniisip ng tao, [a] hindi ba at siya ay natanggalan na ng pag-asa? Ako ay nasa langit; Ako rin ay nasa lupa; Ako rin ay nasa kalagitnaan ng laksa ng mga tao. Mahahawakan Ako ng tao araw-araw; bukod pa rito; maari niya Akong makita araw-araw. Pagdating sa mga nauukol para sa tao, Ako ay tila nagtatago minsan at minsan ay litaw; Ako ay tila may tunay na pag-iral, ngunit Ako ay tila hindi buhay. Nasa Akin ang mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Tila Ako ay sinisilip ng lahat ng tao sa pamamagitan ng isang mikroskopyo upang maghanap ng marami pang kahiwagaan sa Akin, umaasang maalis ang duda sa kanilang mga puso. Ngunit kahit na sila ay gumamit ng pluroskopo, papaano makikita ng sangkatauhan ang mga lihim na sa Akin ay nakatago?
Kapag ang Aking mga tao, sa pamamagitan ng Aking gawain, ay niluwalhating kasama Ko, sa sandaling ang taguan ng pulang dragon ay mailabas, lahat ng putik at dumi ay malilinisan, at ang mga maduming tubig, na naipon sa hindi mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, ang pulang dragon ay mamamatay sa dagat-dagatang apoy at asupre. Ikaw ba ay magkukusang mananatili sa Aking maingat na pagkalinga upang hindi makukuha ng dragon? Tunay bang inayawan mo ang kanyang mapaglinlang na kaparaanan? Sino ang may kakayanang magtaglay ng matapat na pagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala – sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanilang lakas ng pangangatawan? Ngayon, ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay dumating sa sanlibutan bilang katawang-tao. Kung hindi nangyari ito, mayroon bang sinuman na walang takot na lumaban sa digmaan alang-alang sa Akin? Upang ang kaharian ay mabuo, upang ang Aking puso ay makuntento, at muli, upang ang Aking araw ay dumating, upang ang panahon ay dumating nang ang laksa ng mga nilalang ay isilang muli at maging masagana, upang ang sangkatauhan ay mailigtas sa dagat ng kahirapan, upang dumating ang kinabukasan, upang ang kaluguran sa hinaharap ay matupad, ang lahat ng sangkatauhan ay nagsisikap ng buong kalakasan, buong-buo at walang itinitira sa pag-alay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ay ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?
Habang ang tao ay nabubuhay sa mga huling araw, lalo nilang mararamdaman ang pagka-hungkag ng mundo at ang kakulangan ng kanilang lakas ng loob sa pamumuhay. Sa ganitong dahilan, hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kabiguan, hindi na mabilang ang nabigo sa kanilang paghahanap, at hindi na mabilang ang mga nagdusa sa pamamahala sa mga kamay ni Satanas. Napakarami Kong taong iniligtas, napakarami Kong sinaklolohan, at, madalas pa, noong ang mga tao ay nawalan ng kaliwanagan, ibinalik Ko sila sa lugar ng liwanag, upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag, at Ako ay kanilang kagiliwan sa gitna ng kanilang kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, ang pagpupuri ay sumisibol mula sa puso ng mga tao na naninirahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na iibigin ng sangkatauhan, isang Diyos na makakapitan at kawiwilihang samahan, at ang sangkatauhan ay puno ng pangmatagalang pagkakilala sa Aking kaanyuhan. Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakaiintindi kung ito ay ang pagkilos ng Espiritu, o tungkulin ng laman. Itong isang bagay ay sapat na upang ang maranasan ng tao ang bawat detalye nito habambuhay. Hindi Ako hinamak ng sangkatauhan kailanman sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ang Aking karunungan ay nagbubunyi ng kanyang paghanga, ang mga kababalaghan na Aking ginagawa ay kasiyahan sa kanyang mga mata. Ang Aking mga salita ay lumilito sa kanyang isip, ngunit inaalagaan pa rin niya ang mga ito nang may kagiliwan. Ang Aking katunayan ay naghahatid ng pagkalito sa tao at natitigilan siya dulot nito, ngunit, siya ay handang tanggapin ang lahat ng ito nang buong kalooban. Hindi ba ito ang tiyak na sukatan ng kanyang tunay na pagkatao?
Ika 13 ng Marso, 1992
Talababa:
a. mula sa orihinal na salitang “sa halimbawang ito.”                    UMFULA OHLANZEKILE WAMANZI OKUPHILA

Awekho amazwana:

Thumela amazwana